227

By

‘Pinas kulelat sa Reading Comprehension, Mathematics at Science

Ang Pilipinas ang nagtala ng may pinakamababang OECD average pagdating sa Reading Comprehension sa may 79 na bansa na sumali sa Programme for International Student Assessment o PISA.

Maliban sa pagiging kulelat sa Reading Comprehension, ikalawa rin sa pinakamababa ang Pilipinas pagdating sa Science at Mathematics kasunod ng Dominican Republic, batay sa PISA 2018 results.

Pinakamataas sa Reading Comprehension, Science at Mathematics ang China kasunod ang Singapore at Macao.

Pang-13 ang Amerika habang nasa 15th spot ang Japan.

Ang PISA ay worldwide na pag-aaral ng Organisation for Economic Cooperation and Development na layong ma-evaluate ang educational system sa pamamagitan ng pagsukat sa scholastic performance sa mathematics, science at reading ng mga 15-anyos na mag-aaral.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?