605

Apr 4, 2020 @ 18:36

‘Pinas kinondena ang missile attack sa Saudi Arabia

Kinadismaya ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pang-aatake sa Saudi Arabia.

Sa inilabas na pahayag ng DFA, isinalarawan nila ang missile attack bilang “destabilizing provocation” habang hikahos ang iba’t ibang bansa sa paglaban sa coronavirus disease pandemic.

“The Philippine government condemns the recent missile strikes directed against Saudi Arabia. The attacks are a destabilizing provocation at a time when the world needs to focus its resources and attention on the global fight against Covid-19,” saad nito.

Ayon sa ulat ng Saudi Press Agency, inilunsad ang ballistic missiles ng mga rebeldeng Al-Houthi mula sa Yemen laban sa Riyadh at Jazan.

Dalawang sibilyan ang naiulat na sugatan dahil sa bumagsak na debris mula sa naharang na missile, na sumabog sa ere.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?