93

By

‘Pinas kailangan bang muli si Blatche?

Ayon sa tweet ni Charles Tiu, kapatid ni Rain or Shine guard Chris Tiu, isa siya sa mga nag-aakala na mas maayos ang Team Pilipinas kung wala si Andray Blatche.

Ngunit sa pagkatalo natin sa Kazakhstan at Iran, ngayon niya naiisip na kawalan si Blatche para sa Team Pilipinas, kahit ‘not in great shape’ pa ito.

Ayon naman sa reply ng Twitter user na si @librong_james, sinabi nito na mas pipiliin niya si Barangay Ginebra import Justin Brownlee kaysa kay Blatche. Sumang-ayon naman si Charles Tiu at sinagot ito ng ‘me too’.

Kinapos ang Team Pilipinas kontra Iran kagabi sa Mall of Asia Arena sa iskor na 78-70.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?