153

By

Pinapanood lang kapag sikat ang artista! Sue Ramirez dismayado sa millennials

Nagpahayag ng kanyang frustrations sa mga millennial si Sue Ramirez na tinatangkilik lang ang isang pelikula kapag sikat ang mga aktor na gumanap.

Sa isang episode ng ‘Bottomline’, sinabi ni Sue na unfair umano sa ibang aktor ang ganoong nakagawian dahil hindi nabibigyan ng tsansa na ipakita ang kanilang talent at kahit pa maganda ang istorya.

“Medyo emotional ako doon sa fact na ang tinitignan pala ng mga kabataan ngayon ay kung gaano kasikat ang artista na bumibida sa isang pelikula,” lahad ni Sue.

“Masakit siya for us kasi not everyone is as big as everyone. I just feel like they’re not giving other people the chances that they deserve, for the beautiful stories that they make, for the hardwork that they put into these movies that we lost sleep, blood and sweat in, and tears,” dagdag pa niya.

Samantala, kasama ang pelikulang pinagbidahan nina Sue at RK Bagatsing na ‘Cuddle Weather’ sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino na Sept. 13-19 ipapalabas sa mga sinehan nationwide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?