170

By

Pinalayang preso na may mabibigat na kaso, ibalik sa kulungan – Palasyo

Dapat ibalik sa kulungan ang mga pinalayang presong may mabibigat na kaso.

Ito ang inihayag ng Malacañang matapos mapaulat na halos 2,000 na bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) ang nakinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law, kabilang na rito ang 48 drug lords.

“Obviously dapat makabalik sila sa kulungan until they serve the full term of their service,” ani Panelo.

Iginiit ni Panelo na malinaw ang nakasaad sa GCTA Law na hindi kasama sa mga dapat mapalaya ang mga nakagawa ng heinous crime.

“That cannot be done because the law is very clear. Republic Act 10592 is very clear that those charged and convicted of heinous crimes, escapees, habitual delinquency, recidivists are not covered by the law,” dagdag pa ni Panelo.

Malinaw aniya ang patakaran ni Pangulong Rodrigo Duterte na sundin kung ano ang nakasaad sa batas.

“Basta the President at the inception of his career as a public official, his slogan is ‘what the law is, just follow it’,” wika pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?