116

By

Pinakamalaking Burmese Python sa buong mundo, alaga sa bahay ng IT worker

Walang takot na nag-aalaga ng isang 18-talampakang haba ng sawa ang isang lalaki sa kanyang bahay kasama ng kanyang pamilya.

Pinaniniwalaang ang sawa na si “Hexxie” na alaga ni Marcus Hobbs, 31, ang pinakamalaking Burmese Python sa buong mundo.

Tila aso na malayang nakakalibot sa loob ng bahay si “Hexxie” na kadalasan ay nasa living room maliban na lang umano kapag papakainin na ito ng rabbit, usa, baka, kambing at baboy na sinu-supply ng local farmers.

Nakatira si Hobbs sa isang semi-detached house sa Gloucester, England kasama ang dalawa niyang anak at partner na si Amy.

Kuwento ng IT worker na si Marcus sa Daily Mail, binili niya sa isang pet shop si Hexxie walong taon na ang nakakaraan. Walong pulgada pa lang umano ang laki nito noon.

Mula noon ay lumaki na nang lumaki si “Hexxie” at tumimbang na ng may 17 stone. Kayang-kaya nitong pisain at makapatay ng tao pero tiwala si Marcus na hindi sila kakantiin ng alaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?