262

By

Pinaka-cute na cheer! Scarlet Belo naki-‘Go USTe’

Si Scarlet Belo na marahil na pinaka-cute na supporter ng UST Growling Tigers.

Sa pinost ni Scarlet Snow, makikita na naki-chant ito ng ‘Go USTe’ bilang pagsuporta sa men’s basketball team na nakapasok sa Finals matapos pataubin sa dalawang magkasunod na laro ang UP.

“Congratulations USTe, you did a great job!” sey ni Scarlet.

Makikita rin sa video na tila may nagtuturo kay Scarlet para mag-cheer, at nabuko na si Vicky Belo pala ito.

“Someone’s coaching behind the cam,” saad ng isang netizen.

“Buking,” sey naman ni Vicky Belo.


Si Vicki ay nakatapos ng medisina sa UST, habang nag-aral din ito sa UP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?