667

Mar 25, 2020 @ 21:15
By

Pimentel ‘ginisa’ ni Jessica Soho, pinalakpakan

Pak na pak sa mga netizen ang diretsahang pagtatanong ni journalist Jessica Soho kay Senador Koko Pimentel tungkol sa isyu ng pagsama nito sa kanyang asawa sa Makati Medical Center sa kabila na naka-home quarantine siya dahil sa COVID-19 at ang VIP testing sa mga politiko.

Nitong Marso 25 sa 24 Oras ay na-interview ni Soho ang senador.

Depensa ni Pimentel, wala pa siyang positibong resulta sa COVID-19 noong magtungo sa ospital at manganganak ang asawa niya kaya sumama siya.

Alas-nuwebe ng gabi noong Marso 24 na raw siya tinawagan ng RITM na positibo siya sa COVID pero nasa ospital na siya noon.

“You knew that there was a danger that you were exposed tapos pumunta pa kayo sa ospital,” giit ni Soho sa mambabatas patungkol sa pag-self quarantine ng ilang senador nang ma-expose sa resource person sa Senate hearing na positibo sa COVID.

Pero giniit pa rin ng senador na noong magtungo siya sa ospital ay hindi pa naman siya kumpirmadong COVID positive.

Naitanong din kay Pimentel ang isyu ng VIP testing sa COVID-19 sa mga politiko kahit wala namang sintomas gayong ang mga persons under investigation na may malalang sintomas gaya ng mga health worker ay hindi mabigyan ng pagkakataon na makapagpa-test at mahaba ang pila.

Hindi ito diretsahang sinagot ni Pimentel at dinepensahan na kailangan din daw magpa-test ang mga senador dahil nagkakasakit din sila.

Narito ang ilang comment ng mga netizen:

@Richeydarian: “We may have HORRIBLE POLITICIANS, but gladly we have GREAT JOURNALISTS like Jessica Soho.”

@Remcis_Mojares: “The Jessica Soho asked Koko Pimentel on live television about VIP testing and he couldn’t answer the question properly.”

@krobynhood: “Thank you, Ms. Jessica Soho for raising the topic about VIP testing on Koko Pimentel. What a brave journalist.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?