96
Pimentel absent sa unang bugso ng campaign rally ng Hugpong
By

Pimentel absent sa unang bugso ng campaign rally ng Hugpong

Hindi dumalo si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa unang bugso ng campaign rally ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) ni Davao City Mayor Sara Duterte nitong Martes sa San Fernando, Pampanga.

Sa halip ay naging kinatawan niya ang misis na si chef Kathrina Yu-Pimentel.

Ayon sa report, absent si Pimentel sa campaign rally dahil pumunta ito sa show ni Rey Langit.

Pero hahabol umano ang senador sa rally ng Hugpong bandang hapon sa Asean Convention Center sa Clark, Pampanga nitong Pebrero 12.

Sa kanyang talumpati sinabi ni Mrs. Pimentel na nais umano ng senador na wakasan ang contractualization, palakasin ang pagnenegosyo, mapababa ang presyo ng bilihin at regularisasyon ng mga manggagawa ng gobyerno.

Nagsimula ang kampanya ng HNP alas-siyete ng umaga sa Pampanga, na balwarte ng mga Pineda at lalawigan ni House Speaker Gloria Arroyo.

Dito ikinampanya nina Arroyo, Governor Lilia Pineda at anak na vice governor ang partido ni Mayor Sara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?