199

By

Pilotong Briton, patay sa plane crash sa Pampanga

Dead on the spot ang isang lalaking British matapos bumagsak ang sinasakyan niyang eroplano sa isang palayan sa Arayat, Pampanga nitong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Mark Hogget, 55, residente ng Tarlac City.

Batay sa inisyal na ulat, nag-crash ang sinasakyang two-seat aircraft ng dayuhang piloto sa Barangay Lapaz Turu alas-tres ng hapon nitong Setyembre 20.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines, iniimbestigahan na ang insidente matapos nitong sabihin na hindi sila nag-isyu ng anumang flight clearances sa maliliit na aircraft bunsod ng masamang panahon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?