55
Piloto nagpa-burger sa mga na-delay na pasahero
By

Piloto nagpa-burger sa mga na-delay na pasahero

Isang piloto ang nanlibre ng burger sa kanyang mga pasahero matapos maantala ng dalawa’t kalahating oras ang kanilang flight.

Sa Twitter post ni Sam Walker, ibinahagi nito ang pa-burger ng piloto sa kanilang mga pasahero ng Mesa Airlines flight na patungong Houston.

“We’re currently 2.5 hours into a delay leaving Tulsa on @united and our Captain, Matthew just ordered every single person on the plane lunch from Fat Guys Burger Bar. Good people and customer service do still exist!” saad sa caption ni Walker.

Kabuuang 70 na burgers umano ang naorder ni Captain Matthew Hoshor para sa mga pasahero.

Proud naman ang kumpanyang United sa ginawa ni Captain Hoshor.

“He’s a really good guy. We’re very proud of him,” ani Mesa Airlines chief executive Jonathan Ornstein.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?