167

By

Pilay na naka-wheelchair, tinaboy sa Miniso

Inireklamo ng isang person with disability (PWD) ang Miniso Megamall dahil pinaalis siya sa kanyang wheelchair bago pumasok sa tindahan nito.

Sabi ni Getty Torralba, “Went to Miniso Megamall and was refused entry because I’m a PWD.”

Sabado ng 7pm siya sana papasok sa Miniso pero sinabihan siya ng gwardiya nito na iiwan ang kanyang wheelchair.

“bawal daw ang kahit anong mobility devices kahit wheelchair. FIRST TIME. Discrimination sa mga may kapansanan,” sabi ni Torralba.

Hinanap ng kanyang kasamang si Pauline Torralba ang store manager pero tila hindi matugunan ang kanilang concern. Sabi ni Pauline, humingi ng paumanhin ang store manager na sinisi sa kanilang guwardiya ang problema na patuloy pa ring bumubulong na hindi marunong sumunod sa batas ang mga Pinoy.

“Yikes! So maybe he was given that instruction which he is blindly following,” sabi ni Pauline tungkol sa gwardiya.

Sabi ni Getty Torralba, malamang sinabi lang iyon ng store manager para umiwas sa eskandalo.

“The manager I think just said what is expected so as to avoid a scene. I’m pretty sure the guard did not just make that rule in his head. There were some customers already looking and ayaw nila mapahiya but I assume it is really their store policy,” sabi ni Getty.

HIningi ng Abante ang panig ng Miniso pero hindi ito nagbigay ng pahayag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?