75

By

Pilak alay ng karateka sa namatay na ama

Sa yumaong tatay iniaalay ni 30th Southeast Asian (SEA) Games karatedo kumite -55kg silver medalist Norman Montalvo ang nasungkit na karangalan.

“My dad passed away this June. So siya yung talagang nag-push sa akin mag-SEA Games,” pahayag ni Norman pagkabulsa ng silver at kapanayamin ng Abante TNT.

“So at least naibigay ko sa kanya. Nakapag-SEA Games ako. And on top of that nag-silver [medal] pa,” dagdag pa ng karateka kung saan ayon sa waging manlalaro ay dini-dedicate nito ang sinabit na medalya sa yumaong ama.

“So it’s for my dad, my Shihan [Martial Arts coach] and everybody who’s supporting us.”

‘Di pa dapat aniya maiuuwi ang premyo dahil binalak na niyang huminto sa pangangarate ngunit pinalad pa ring magkamedalya.

“Actually, last year, I already said na I was retiring, but my teammate is having problem with this weight so the coaches just told me to prepare because I might play,” sambit pa niya

“Medyo bitin sa dulo pero at least nakuha natin yung silver [medal],” pasalamat niya sa pag-abot sa final round ng gold medal match ng komite nang pabagsakin sa 9-5 ang Laos sa semifinals bago sumala sa final round kontra Malaysia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?