31

By

Pido doble panalo sa UST, NorthPort

Naka-two hits si coach Pido Jarencio nitong Miyerkoles.

Tapos sipain ng UST Growling Tigers ang UP Fighting Maroons 68-65 sa stepladder semis ng 82nd UAAP basketball sa MOA Arena, kinumpleto naman ng NorthPort ang pagsilat sa nangungunang NLEX 102-94 sa Smart Araneta Coliseum.

Siyempre, produkto ng UST si Jarencio at naging gunner ng Growling Tigers. Naging coach din siya dito.

Pagpasok sa postgame news conference, nakangiti ang coach.

“Congratulations, UST Growling Tigers, ano,” bungad ni Jarencio. “Alam mo naman, mahal na mahal ko ‘yan, eh. … Congratulations against Ateneo. Lahat naman, posible. May mangyari.”

Sinundan niya ang pahayag ng paghimay sa laro na nagbigay sa Batang Pier ng 4-6 baraha, kabuhol ang Columbian Dyip at Alaska sa 7th-9th ng PBA Governors Cup. Napigil sa 8-2 ang Road Warriors pero nasa unahan pa rin ng pulutong.

“Second, it’s a total team effort. Players want to win this game kasi do-or-die game for us, eh,” aniya. “Kung hindi, wala na, out na tayo.”

Bad start pa raw ang Batang Pier, naiwan 28-25 tapos ng first quarter at 51-43 sa break. Pagbalik, sa 38-point third ay inagaw ang manibela 81-78 papasok ng fourth.

Parehong may double-double sina Michael Qualls (36 points, 11 rebounds) at Christian Standhardinger (23 at 19) para sa NorthPort. Mahalagang 19 points at 7 rebounds din ang kontribusyon ni Sean Anthony.

Bago tumayo, tinapos ni coach Pido ang news conference sa cheer ng kanyang alma mater.

“Go, USTe! Go USTe!” habang isinesenyas ng paikot ang hintuturo. “Congratulations!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?