35
Pichay, sinuspinde ng Sandiganbayan dahil sa korapsiyon
By

Pichay, sinuspinde ng Sandiganbayan dahil sa korapsiyon

Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pagsuspinde ng tatlong buwan kay Surigao del Sur Representative at House Deputy Speaker Prospero Pichay dahil sa kaso ng korapsiyon.

Si Pichay ay dating chairman ng Local Water Utilities Administration (LWUA) kung saan iligal umano nitong inaprubahan ang P1.5 milyong pondo para sa isang chess event noong 2010.

Sa 5-pahinang desisyon, kinontra rin ng anti-graft court ang apela ni Pichay na hindi siya dapat masuspinde dahil hindi na umano niya hawak ang posisyon sa LWUA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?