135

Feb 14, 2020 @ 18:38

Pia Wurtzbach sasalang bilang NBA All-Star reporter

Hindi lang ang basketball action ang dapat abangan ng mga NBA fan sa paparating na NBA All-Star 2020 na gaganapin sa Chicago, Illinois.

Sa Facebook page ng NBA Philippines, kinumpirma ni Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach ay magiging reporter para sa All-Star Weekend.

“I’ll be representing the Republika during the NBA All-Star Weekend, and I’m just so excited,” ayon sa Facebook post ng NBA.

“I promise to work hard, just like ‘The King’ LeBron James, in posting highlights and results.”

Dati na ring sumalang si Pia bilang correspondent noon para sa Super Bowl 50, ang championship game ng National Football League sa Amerika.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?