33,073

Feb 16, 2020 @ 15:37
By

Pia Wurtzbach hindi kinaya ang laki ni Kai Sotto!

Nagkita ang dalawang Pinoy pride pagdating sa magkaibang larangan na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at NBA prospect na si Kai Sotto sa 2020 NBA All-Star event.

Sa pagkikita ng dalawa ay naki-selfie si Pia, na halos kapantay lang nito ang ulo ni Kai.

Si Pia ay 5-foot-6 lang, habang si Kai ay aabot sa 7-feet.

Kaya paano nangyari na tila hindi nahirapan si Pia sa pag-abot sa ulo ni Kai gayong malaki ang height difference?

Sa tweet ng NBA Philippines, tumungtong pala sa upuan si Pia para lang maabot ang mukha ni Kai para sa selfie.


Si Pia ay nasa All-Star event bilang special correspondent ng Pilipinas, habang si Kai naman ay nakasama sa lineup para sa Basketball Without Borders camp.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?