58
Phoenix blanko sa gagawin para matapos ang suspensyon ni Abueva
By

Phoenix blanko sa gagawin para matapos ang suspensyon ni Abueva

Hindi batid ng Phoenix Fuel Masters ang mga hakbang na kailangang gawin para muling makalaro sa kanilang koponan si Calvin Abueva na pinatawan ng indefinite suspension matapos i-clothesline si TNT import Terrence Jones.

Ayon kay Phoenix coach Louie Alas, gumagawa na sila ng paraan para ma-lift ang PBA ban kay Abueva, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakakatanggap ng sagot ukol dito.

“Wala kasing parameters kung anong gagawin. Hindi malinaw. Sabi ko nga, kapag ganung indefinite suspension, nagtanong ako sa lawyer, dapat may binibigay na parameters kung bakit mo sinuspinde indefinitely,” ayon kay Alas sa report ng Spin.ph.

Saad pa ng Phoenix mentor, nagpadala na sila ng sulat sa Games and Amusement Board para magpaliwanag sa nangyaring pananakit ni Abueva, kasama na ang naging isyu nito sa girlfriend ni Rayray Parks na si Maika Rivera na tinawag na ‘bitch’ ni Abueva.

“Kanina ko lang nalaman na sumulat pala ‘yung GAB,” saad ni Alas. “Kailangan din sumulat si Calvin ng explanation kung anong nangyari sa kanila ni Jones.”

“Nagawa na kanina, addressed sa chairman. Tapos kung ano ‘yung explanation niya, based on that kung ano ‘yung puwedeng ibigay kay Calvin.”

Nakipagkita na rin noong nakaraang buwan si Abueva kay league commissioner Willie Marcial na nag-sorry sa nagawa, ngunit wala pang feedback kung kailan siya makakabalik sa liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?