32

By

PhilSAT tinigpas ng Korte Suprema

Inalis na ng Supreme Court (SC) bilang requirement para makapasok sa mga law school ang Philippine Law School Admission Test (PhilSAT).

Idineklara ng Mataas na Korte na unconstitutional ang memorandum circular na inisyu ng Legal Education Board (LEB), na nagtatakda sa PhilSAT bilang prerequisite para sa admission sa mga law school.

“Accordingly, the temporary restraining order issued on March 12, 2019 enjoining the LEB from implementing [the Memorandum Circular] is made permanent,” saad ng SC.

Ang desisyon ay isinulat ni Associate Justice Jose C. Reyes Jr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?