59

Mar 26, 2020 @ 12:06
By

PhilHealth: Mga COVID-19 patient walang babayaran

“Wala silang dapat ilabas na pera. Private or public hospital.”

‘Yan ang naging tugon ni PhilHealth President Ricardo Morales ukol sa pagpapagamot ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Ayon kay Morales, naglabas na umano sila ng P1.6 billion na pondo sa mga ospital para makaresponde kontra sa COVID-19 pandemic.

Aniya, kailangan lamang ng endorsement ng mga doktor at ospital para sa testing, at kung kailangang ma-admit ay sasagutin ng PhilHealth ang gastusin.

Iba naman ang kaso sa mga naka-home quarantine.

“Whatever it takes, sasagutin ‘yan ng PhilHealth. Pero ang bayad sa testing, kailangan endorsed ng doktor at ospital. Lahat ng hospitalized dahil sa COVID-19 ay masasagot ng PhilHealth, pero ‘yung mga naka-home quarantine ay hindi,” saad ni Morales.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?