22

By

PhilHealth ‘mafia’ sinisilip din ng NBI – Duque

Kabilang umano sa ginagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa “ghost dialysis” ang umano’y mafia sa loob ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III sa panayam sa Unang Balita, sinisiyasat na ang mga opisyal ng PhilHealth na sangkot sa umano’y “ghost dialysis” ng WellMed Dialysis & Laboratory Center Corp.

“Kasama ‘yan sa imbestigasyon na isinagawa. Kaya nga inihanda na ang pakikipagtulungan ng PhilHealth sa NBI para ma-establish through a chronology of events. Kasi ‘yung chronology of events, matutukoy mo anu-anong opisina ang humawak ng mga dokumento, saan nagkapasahan ng dokumento, saan nagkabalikan ng dokumento, bakit naging napakatagal bago nila malitis ang kasong ito,” ani Duque.

Nag-ugat ang kontrobersiya nang ibunyag ng dalawang dating empleyado ng WellMed ang pagsingil ng dialysis center sa PhilHealth kahit patay na ang mga pasyente.

Bunga nito, hiningi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang courtesy resignations ng matataas na opisyal ng PhilHealth kabilang na si acting president Dr. Roy Ferrer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?