40

By

PH volleyball squad, suportado ng PSC

Makakatanggap na ng buong suporta ngayon ang national women’s at men’s indoor volleyball team mula sa Philippine Sports Commission bilang paghahanda sa 30th Southeast Asian Games 2019.

“Siyempre happy kami kasi recognized na kami ng PSC. Mas magiging smooth na rin ang takbo ng team, then ‘yung relationship sa PSC,” pahayag ni women’s coach Ceasael ‘Shaq’ delos Santos nitong Martes.

Fully recognized na ang Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. athletes na makakatanggap ng monthly allowance at makakagamit ng mga pasilidad sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex.

Pinoproseso na rin ng mga ito ang kanilang medical examinations at iba pang requirements para sa PSC ID.

Magugunitang ‘di nakatanggap ng allowance ang national teams mula sa PSC sa kanilang paghahanda at pagsali sa 18th Asian Games 2018 at AVC Asian Cup sa nakaraang taon.

Nakatakda namang magsimulang mag-ensayo ang national team sa susunod na linggo.

Para sa women’s team, plano nitong sumabak sa PSL Invitationals sa Oktubre, pero nakadepende pa sa kanilang schedule.

Ayon pa kay coach Delos Santos, mas pagtutuunan niya ang kanilang training camp sa Japan at China.

Binubuo ang 22-woman national pool nina team captain Aby Maraño, Alyssa Valdez, Mika Reyes, Aiza Maizo-Pontillas, Jaja Santiago, Dindin Satiango-Manabat, Dawn Macandili, Denden Lazaro, Majoy Baron, Jia Morado, Ces Molina, Mylene Paat at MJ Phillips.

Swak din bilang first timer sa women’s pool sina Filipino-Hawaiian Kalei Mau, Alohi Robins-Hardy, Kath Arado, Eya Laure, Tots Carlos, Celine Domingo, Angel Cayuna, Jerrili Malabanan at Jema Galanza.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?