87
ABANTE lacson atio hazing case sc

PH-US defense treaty palakasin, ‘wag ibasura – Lacson

Suportado ni Senador Panfilo Lacson ang pagpaparepaso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos.

Kailangan na umano iyong repasuhin dahil marami nang pagbabago mula nung lagdaan iyon ng dalawang bansa nung 1951 at binago rin ng pangulo ang foreign policy ng bansa.

Idiniin naman ni Lacson na ang pagrepaso ay dapat na patungo sa pagpapalakas ng kasunduan at hindi para sa tuluyan nang pagbasura rito.

“To improve or enchance and ajust to the existing conditions affecting our country’s national interest. Definitely, not abrogate,” nang tanungin kung saan dapat tumungo ang pagbusisi sa MDT.

Nung iniutos ng Pangulo ang pagrepaso sa kasunduan, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na maaring mapunta ang pagrepaso sa pagpapahusay, pagpapanatili o kaya ay pagbasura sa kasunduan.

Sa MDT, kabilang ang pangako ng Pilipinas at Estados Unidos na tutulungan ang isa’t isa kapag may dayuhang bansa na sumalakay.

Samantala, sinabi ni Lacson na walang maaaring maging papel ang Senado sa pagrepaso ng MDT ngayon.

Papasok lang sila sa mga tratado kapag ipinadala ng Malacañang para sa ratipikasyon. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?