123

By

PH triathlete Chicano sinungkit ang 1st SEAG gold medal

Sariwang sariwa para sa pang-agahan ng mga Pinoy ngayong Lunes ang kauna-unahang gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games.

Ito ang tiniyak ni Rambo Chinano matapos manguna sa men’s triathlon game ng SEA Games na ginanap sa Subic Bay Boardwalk upang kunin ang gintong medalya.

Tumapos si Chicano sa oras na 1 hour, 53 minutes, 24 seconds para itarak ang pinakamabilis na finish sa biennial event.

Matatandaan na ang 28-anyos na Olongapo native ay tumapos rin ng 2nd sa nakaraang triathlon ng SEA Games taong 2017.

Ito naman ang 1-2 finish para sa Pinas nang kunin rin ni Andrew Kim Remolino ang silver medal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?