94

By

PH Sibol abante sa SEAG DOTA 2 upper bracket finals

Nakaungos ng dalawang panalo sa ginanap na tatlong laro ang team Sibol sa DOTA 2 qualifiers mula sa bansang Laos at Indonesia na ginanap Sabado ng gabi sa San Juan Arena.

Dahil sa resulta ay nakatapak na sa upper bracket finals ng Dota 2 ang national team sa eSport sa nagpapatuloy na 30th Southeast Asian Games.

Nakatakda ngayong araw na magsagupaan ang Pinas at Vietnam para sa upper bracket finals.

Ang team DOTA ay kinabibilangan ng players na sina John Anthony Vargas, James Guerra, Marvin Rushton, Van Jerico Manalaysay at Bryle Alvizo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?