96
PH olats sa Thailand sa Asean Grand Prix
By

PH olats sa Thailand sa Asean Grand Prix

Hindi man nanalo kahapon, Setyembre 21, ang team Pilipinas kontra Thailand sa Asean Volleyball Grand Prix, hindi naman nila pinayagang walisin sila agad nang paabutin pa nila ito sa 4 sets na 25-13, 25-21, 23-25, 25-30.

Bumalikat ang Pilipinas sa bagong rookie lineup na sina Eya Laure, Majoy Baron, Jovelyn Gonzaga, Aby Marano upang kunin ang ikatlong set sa iskor na 23-25.

Kinayod rin ng PH team ang 4th set nang idikit nila sa iskor na 13-all matapos gumawa ng 6-0 run.

Nanguna sa paluan si Kalei Mau na gumawa nang 12 points, habang si Ces Molina naman ay umambag nang 11.

Kumolekta rin nang 9 markers si Marano habang tig-7 points naman ang tinapos nina Baron at Gonzaga.

Toka ngayon ang Pilipinas sa paparating na laban nila mamaya kontra sa Vietnam para sa ika-3 laro nila sa torneo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?