203

By

PH jeepney naispatan sa New York

Viral sa social media ang larawan kung saan makikita ang isang Philippine jeepney sa kalsada sa New York.

Ayon sa The Philippines News, ang naturang asul na Philippine-made jeepney ay naging posible sa Big Apple dahil kay American-Filipino singer Allan Pineda Lindo o mas kilalang si Apl de Ap.

Maraming netizen naman ang naging proud dahil dito.

“Galing ni aps proud to be pinoy,” sabi ni Tholit Miguel.

“Proud to be pinoy,” saad naman ni Dhonnet Ola Lozano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?