28

Feb 14, 2020 @ 16:56
By

PH embassy team dumalaw sa mga Pinoy sa Japan na may Covid-19

Nakaratay ngayon sa iba’t ibang pagamutan sa Tokyo, Japan ang 11 Filipino seafarer na sakay ng Diamond Princess cruise ship na nagpositibo sa coronavirus (COVID-19).

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), regular na nakikipag-ugnayan ang Embahada ng Pilipinas sa Tokyo sa mga Pilipino sa mga ospital at tinutugunan nang maayos ang pagpapagamot sa mga ito.

Sa pakikipag-ugnayan ng embahada sa Japanese government, nagpadala na ng package na naglalaman ng mga gamit sa banyo at mga panustos na hindi pang-medikal sa mga Pilipino na nasa ospital pati na rin ang nananatiling nakasakay sa Diamond Princess.

Bumisita rin ang embassy team sa mga ospital upang makipag-usap sa mga doktor at social worker na itinalaga sa mga pasyenteng Pilipino upang matiyak ang kanilang paggaling.

Nabatid na nasa 538 ang bilang ng mga Pinoy ang nakasakay sa nasabing barko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?