182

By

PH Dancesport Team sa SEAG inimbitahang magtanghal sa natalong bansa

“We Win as One.”

Ito ang pinatunayan ng bansang Indonesia dahil bagama’t nadaig sila ng Pinoy team sa dancesport events sa katatapos lang na 30th Southeast Asian (SEA) Games ay hindi nila tinuring na kalaban ang huli.

Bilang patunay ng paghanga sa husay ng mga mananayaw na Pinoy at pagkakaisa sa laban ay inimbita pa ng mga Indonesian ang nakatunggali at binigyan ng sariling show para magtanghal sa kanilang bansa.

Labis naman ang tuwa sa mainit na pagtanggap at hindi akalain ng dancesport tandem na sina Michael Angelo Marquez at Stephanie Sabalo na papupuntahin sila sa Indonesia ng nakalabang koponan upang ipamalas ang husay nila sa pagsayaw.

Ang couple team ay nakasungkit ng dalawang gintong medalya at isang silver sa katatapos pa lang na SEA Games 2019. (Aivan U. Episcope)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?