29

By

PH arnis petmalu, 7 ginto hinalukay

Kulay ginto ang pamalo ng Filipino arnisador sa Day 2 ng SEA Games nitong Lunes.

Nakapag-deliver ang team ng pitong gold para iangat ang overall gold medal tally ng Team Pilipinas sa 38 at manatili sa unahan ng pulutong.

Pinangunahan ni Elmer Manlapaz ang ratsada ng arnisadors nang dominahin ang men’s padded stick sa tatlong gold na hinamig. Dalawa pa sa distaff side ang nangibabaw din sa kani-kanilang events sa Angeles University Foundation.

Kumubra ng gold sina Jesfer Huquire (bantamweight) at Abegail Abad (welter) sa padded stick, at sina Elmer Manlapaz (feather), Carloyd Tejada (welter), Sheena del Monte (bantam), Ashley Ross Moville (light) at Jedah Mae Soriano (feather).

Naka-12 gold medals na ang arnis squad ng Pilipinas, nasapawan ang 10 ng dancesports.

Sa cycling ay naka-gold sina John Farr at Denise Belgira sa mountain bike, gold din si Monica Torres sa duathlon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?