22

By

Petron duo Rondina, Pons paghahandaan ang F2 Cargo Movers

Hindi pa rin paawat ang panig ng Petron Blaze Spikers sa tulong nina power hitters Sisi Rondina at Bernadette Pons para sa Philippine SuperLiga All-Filipino Conference 2019.

Dumomina ang koponan ng Petron sa laban nito kontra Marinerang Pilipina Lady Skippers sa score na 25-12, 25-17 25-9 nitong Martes sa Muntinlupa Sports Center.

Sanib-pwersa para sa opensa ng Blaze Spikers sina Rondina na may 13 points, pito mula sa atake, apat na service aces at dalawa blocks samantalang nagtala naman si Pons ng 11 markers dagdag pa ang 14 digs.

“Kanina sinita ako ni coach kasi medyo relax daw ako pero ayun yung kailangan kong mas i-improve kasi masyado akong naha-hyper lalo na kapag pinapasok ni coach Shaq,” sambit ni Rondina.

Batid naman ni Pons na mas kailangan pa nilang paghusayan dahil hindi madali ang kanilang susunod na makakatapat, ang panig ng F2 Logistics Cargo Movers.

“Marami pa rin kaming lapses kanina. Although maganda naman talaga ‘yung ginawa namin pero meron pa ring kailangang pa i-improve na papraktisin pa namin sa training and especially ‘yung next game namin is F2,” wika ni Pons.

Maghaharap sa Huwebes ang Petron kontra F2 na gaganapin sa FilOil Flying V Centre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?