72

PETmalu: Japanese diver may BFF na isda

By  Trina Martinez

Sa loob ng 30 na taon, isang Japanese diver ang sumisisid sa ilalim ng dagat para bisitahin ang kanyang best friend na isda.

Naatasan si Hiroyuki Arakawa na bantayan ang isa sa mga religious shrine sa Shinto na tinatawag na torii hich, na matatagpuan sa ilalim ng ilalim ng Tateyama Bay ng Japan.

Sa ilang dekada na siya ay bumibisita, nakilala nya si Yoriko – isang Asian sheepshead wrasse na nakatira malapit sa shrine.

Kakaiba ang relasyon ng diver kay Yoriko dahil sa paraan ng pagbati niya sa nilalang, ang paghalik.

“I think anyone can get an animal’s attention by feeding them. But to touch or interact with them is harder to accomplish,” sabi ni Arakawa.

Sa tingin ng Japanese diver ay alam ni Yoriko na siya ang nagligtas ng kanyang buhay, “I guess she knows that I helped her when she was badly injured. So for me to be able to do that, I am proud. I have an amazing sense of accomplishment in my heart.”

Pinatunayan ito ng siyentipikong pag-aaral ng University of Oxford, anila nakakakilala ang mga isda ng mukha ng tao.

“The researchers found that fish, which lack the sophisticated visual cortex of primates, are nevertheless capable of discriminating one face from up to 44 new faces,” ayon sa research.

Panoorin ang buong video sa baba:

Aquatic Affection: How a Scuba Diver Found a Good Friend Under the Sea

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?