46

By

PETmalu: Aso nilagyan ng braces sa ngipin

Hindi mo akalain na ang mga aso din pala ay maaaring lagyan ng braces sa kanilang ngipin.

Kilalanin si Wesley, ang golden retriever na kinailangan mag suot ng braces dahil sa problema sa pagtubo ng kanyang ngipin.

Ang amo ni Wesley na si Molly Moore ay nagtra-trabaho sa isang veterinary clinic ng kanyang ama na si Jim Moore sa Spring Lake, Michigan. Sinabi naman ni Molly na simula nang tumubo ang adult teeth ni Wesley ay nahirapan na umano siyang isara ang kanyang bibig nang tuluyan.

Nawalan ng gana ang aso sa paglalaro at patuloy na nawalan na din ng gana kumain.

Buti nalang umano ay eksperto ang ama ni Molly sa veterinary dentistry. Ayon kay Jim, ang solusyon sa problema ay dog braces.

Ang di pangkaraniwang pamamaraan na ito umano ay nakakatulong nang lubos sa mga hayop na may problema sa ngipin.

Talaga namang ipinaliwanag ni Molly na hindi lang para pampa-cute ang braces kundi kailangan talaga para sa seryosong dahilan.

Ang ganitong kondisyon ay tinatawag na malocclusion kung saan hindi umaangkop ng kumportable ang ngipin kapag nakasarado ang bibig. Bihira itong ginagawa ng veterinarian na tatay ni Molly pero talaga nga naman na makakatulong ang braces kay Wesley.

Sinabi naman ni Jim na ilang linggo lang kailangan suotin ni Wesley ang braces at hindi pang matagalan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?