38

By

Petisyon para gawing 24 oras na bukas ang aklatan sa UST pinakalat

Higit 6,000 na ang pumirma sa isang online petition tungkol sa pagpapatagal ng oras na bukas ang Miguel de Benavides Library ng University of Santo Tomas (UST).

https://www.change.org/p/university-of-santo-tomas-24-hours-ust-miguel-de-benavides-library

Ngayong alas-3:50 ng hapon, Setyembre 28, 2019, umabot na sa 6,763 ang pumirma sa petisyong sinimulan ni Marie Rodriguez noong Setyembre 25 na iaapela sa pamunuan ng UST.

“We wish that the UST Miguel de Benavides library would allow students to stay in the library for 24 hrs every weekdays. This is for the sake of the safety and accessibility of the students,” pahayag ni Rodriguez.

“We hope we could bring change for the benefit of the students of the University of Santo Tomas,” dagdag nito.

Kung papayagan, nais sana nilang bukas ang limitadong parte ng aklatan na babantayan nang dalawa hanggang tatlong sekyu.

Pag-iisipan umano ng pamunuan ang kagustuhan ng mga Thomasian, ayon sa isang opisyal sa library administration ng UST.

“Titingnan pa namin. Since 3,000-plus [ang signees], so we’ll look into it and then we’ll discuss,” sabi ni Chief Librarian Ma. Cecilia Lobo sa Varsitarian.

Una nang tinanggihan ng pamunuan ang petisyong gawing bukas nang 24/7 ang aklatan noong Oktubre 2018 dahil umano sa kakulangan sa tauhan at material resources ng aklatan.

Marami ang sumang-ayon sa bagong petisyon, ngunit may ilan ding nag-alala para sa kapakanan ng mga empleyado ng aklatan.

“Education is a right. It is the university’s responsibility to provide is a safe space to study given the amount of our tuition fee, and the portion that goes to library fee,” sabi ni Patrick Joshua Robles.

“I’m signing because I know many people who struggle to find a place to study during the late hours of the the night. Some of them are forced to pay for a product if they need to study in a coffee shop. Not everyone has the privilege to peacefully study at their own home,” ani Kristel Sambile.

“Some state/private universities here in the Philippines do even extend their library hours, at least up to 12AM. Evidently, they produce a huge number of topnotchers in the board exam. Also, if UST aims to be globally recognized, I think this is a great move forward as international universities have a 24hrs library and learning center,” saad naman ni Aldwin Layug.

Sa ngayon, bukas ang nasabing aklatan mula alas-otso ng umaga hanggang alas-otso ng gabi. Tuwing Linggo lang ito sarado. Mayroon itong 59 staff members at 80 student assistants, ayon sa Varsitarian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?