64

By

Pet owner pina-tattoo ang kanyang aso

Isang nakangiting animal abuser ang nagpa-picture sa kanyang alaga na may napakalaking tattoo.

Bakas sa mukha ng kawawang chihuahua ang kawalan ng pag-asa nang ibinida ito ng isang lalaki sa social media.

Sa ginawang ito ng may-ari, maaaring magtamo ng impeksyon ang aso dahil sa maduming mga karayom at tintang ginamit sa pangta-tattoo.

Maaring nakakapangilabot ang naramdaman ng aso nang siya ay binigyan ng tattoo dahil mas sensitibo ang tiyan ng aso.

Itinuturing na animal cruelty ang ginawa nito sa aso.

Wala pang inilalabas na pahayag ang may-ari ng chihuahua.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?