148

By

Pessumal umukit ng PBA 3-point record

Walong bato sa three-point land ang binato ni SMB gunslinger Von Pessumal.

Sa walong tira, lahat ay swak sa ring, sapat para maisama ang pangalan sa record books ng liga.

Ayon sa tweet ni PBA chief statistician Fidel Mangonon III, ang perfect 8 for 8 shooting ng dating Ateneo shooter ay ang pinakamaraming three-point shots na walang mintis sa isang laro.

Tinalo nito ang dating record na six treys ng walong manlalaro, ang pinakabago ay ang kay Mike Tolomia noong 2017.

“Going down the drain tonight in [SMB] loss to [TNT] was Pessumal’s 8 of 8 3pt shooting, a new PBA all-time record for most 3s made in a game w/o a miss. Previous record was 6/6 recorded by 8 other players, most recently Tolomia on 9/15/17 vs [Alaska],” saad sa tweet ni Mangonon.

Ngunit kahit ganito ay hindi pa rin lubos na nasiyahan si Pessumal lalo’t sa kabila ng bagong record ay nauwi sa talo ang kanyang effort, 110-97.

“I hate to repeat myself but I’d rather get the win and score zero. But it’s how it is,” ayon sa third year PBA player.

Gayunpaman, pasalamat pa rin ang SMB shooter sa naabot na parangal.

“Extremely humbled to be part of the record books! I have a lot of respect for the great players who played this game before me, and I won’t take this for granted,” saad pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?