111

By

Perfect ba kayo? Mga netizen suportado si Morissette

Nagkaisa ang mga netizen para sumuporta kay singer Morissette Amon matapos maging headline nang mag-back out bilang guest performer sa birthday concert ni Kiel Alo sa Music Museum noong November 6.

Ayon sa concert producer na si Jobert Sucaldito, sinabihan siya ng business manager ni Morissette na hindi na magpe-perform si Morissette dahil “she felt she was attacked by the media.”

Naging emotional umano si Morissette sa backstage at inumpog pa ang ulo sa pader, na may kinalaman umano sa interview kung saan naitanong sa kanya ang status ng relationship niya sa kanyang pamilya.

Magugunitang hindi boto ang ama ni Morissette na si Amay Amon sa relasyon ng kanyang anak sa kapwa singer na si Dave Lamar.

Pero ayon sa mga netizen, dapat tigilan ang panghuhusga sa singer dahil dumadaan ito sa depression.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?