113
Perang papel na may pirma ni Diokno, nilabas na
Jul 3, 2019 @ 17:30
By

Perang papel na may pirma ni Diokno, nilabas na

Inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Miyerkoles ang mga bagong perang papel na may lagda na ni Governor Benjamin Diokno.

Ayon kay Diokno, ang bagong batch ng peso bills ay ginamitan umano ng mas secured na feature sa pamamagitan ng intaglio printing technology sa pag-print.

Ito ang unang beses na mailalagay ang pangalan at pirma ni Diokno sa currency banknotes matapos palitan sa pwesto ang yumaong si dating BSP Gov. Nestor Espenilla.

Umupo si Diokno bilang BSP governor noong Marso 5, 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?