244

Mar 25, 2020 @ 10:57
By

Pera n’yo yan! Valenzuela mayor tumanggi sa pasalamat sa food voucher

Ang dapat na pasalamatan ng mga residente sa natanggap na pagkain ay ang kanilang mga sarili dahil nagbayad sila ng buwis, ayon kay Valenzuela Mayor Rex Gatchalian.

Panay kasi ang pasalamat ng mga ito dahil nakatanggap na sila ng food voucher sa kasagsagan ng Luzon-wide enhanced community quarantine bilang pag-iingat sa COVID-19 pandemic.

“…sa mga nakakuha na ng food vouchers nila. Please don’t thank me,” tweet ng alkalde, Marso 24, 2020.

“Thank yourselves for paying taxes…pera niyo yan,” sabi pa niya.

“Sana all” ang komentong pinaulan ng mga netizen kay Gatchalian.

Kinumpara kasi nila ang alkalde kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, na sinabihan ang kanyang mga kritiko na ‘wag tatanggap ng alinman sa kanyang mga proyekto sa lungsod.

Sa ngayon, meron nang dalawang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?