1,657
Pera lang daw ang habol: Jimuel idinepensa si Heaven laban sa mga basher
By

Pera lang daw ang habol: Jimuel idinepensa si Heaven laban sa mga basher

Ipinagtanggol ni Jimuel Pacquiao ang girlfriend na si Heaven Peralejo laban sa mga nangba-bash na pera lang umano ang habol sa kaniya.

“Actually, hindi naman po maiiwasan ang mga basher. It’s normal po na we can’t please everybody. Ang masasabi ko lang po is, sa mga nagba-bash, they don’t really know who she is and what she is like. For me, it’s okay, they don’t really know who Heaven is,” saad ni Jimuel.

Nang tanungin kung paano napasagot ni Jimuel si Heaven sinabi ng panganay nina Jinkee at Manny na nilagawan niya ang both sides ng family ng babae at pinakita niya na mabuti ang intentions niya.

Sinabi rin ni Jimuel na pinaka-nagustuhan niya kay Heaven ang pagiging mapagmahal nito sa pamilya dahil pareho aniya sila.

“She’s a family type of person, just like me, na love na love po namin ang family namin,” wika ni Jimuel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?