2,721

‘Penis fish’ dumagsa sa beach

Takang-taka ang mga mamamayan sa nasaksihang libu-libong “pumipintig na penis fish” na tinangay sa baybayin ng isang beach.

“Fat innkeeper worms” (Urechis caupo) ang opisyal nitong pangalan, at naniniwaala ang isang Bay Nature writer na dulot ito ng katatapos na bagyo sa Drakes Beach area sa California.

Natagpuan sila noong Disyembre 6, 2019 ni biologist Ivan Parr, na sinabing karaniwang nakatira ang mga 10-pulgadang fat innkeeper worm sa ilalim ng tubig at nakabaon sa putik o buhangin, ngunit posibleng dinala ito ng bagyo sa baybayin.

Kayang mabuhay ng mga uod na ito nang hanggang 25 taon at kumakain at lumalangoy gamit ang kanilang “spatula-shaped proboscis.”

Bacteria, plankton at iba pang maliliit na particle ang kinakain nito, na nakokolekta gamit ang kanilang “sticky mucus nets.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?