100

By

Pengeng Chito Miranda – mga netizen

Nag-trending sa Twitterverse si Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda dahil sa mga mensahe nito tungkol sa kanyang asawang si Neri Naig.

Partikular na nagustuhan ng mga netizen ang sinabi ni Chito na nagbago siya hindi dahil sa sinabihan siyang magbago ni Neri kundi gusto niyang ma-in love ang kanyang misis sa isang taong “worth loving”.

“Tinigil ko yung mga kalokohan ko, not because she asked me to, but because I wanted her to be in love with someone who was worth loving. I needed to be someone worthy of that love kasi kung hindi mawawala s’ya,” sabi ni Chito sa Instagram post.

Biro tuloy ng mga netizen, “Pengeng chito miranda in this world full of gerald anderson.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?