16

By

Pelikula nina Sharon-Gabby, Paulo-Lovi libre sa CCP

Free admission sa lahat kahit walang ka-date ang dalawang Filipino romance movie nitong Valentine’s weekend sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

Maaaring mapanood ang “Sana Dati” nina Lovi Poe at Paulo Avelino sa Pebrero 14 habang Pebrero 15 naman ang “Dear Heart” nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta ng 3:00 PM sa Tanghalang Manuel Conde ng CCP.

Ayon sa Facebook post ng CCP Media Arts Division, “first come, first served” basis ito kaya dapat magpunta nang maaga.

Hindi na kailangang magpa-reserve ng upuan, mag-register lang sa labas ng theater, 30 minuto bago mag-umpisa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?