325

Feb 10, 2019 @ 18:29
By

Pelikula ni Ara Mina bibida sa Singkwento International Film Festival

Opening film sa magaganap na 2019 Singkwento International Film Festival Manila Philippines (SIFFMP) ang pelikula ni Ara Mina na pinamagatang ‘Immaculada, Pag-ibig Ng Isang Ina’.

Magaganap ang premiere ng dramatic at controversial-themed na pelikula sa Pebrero 15, alas-7 ng gabi sa Leandro Locsin Theater ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa #633 General Luna St., Intramuros, Manila.

Ang naturang pelikula ay ayon sa panulat at direksyon ng broadcast journalist at filmmaker na si Arlyn Dela Cruz.

Bibida rin sa nasabing pelikula ang award-winning actress na si Ms. Elizabeth Oropesa kasama sina John Estrada, Akihiro Blanco, Elijah Canlas, at marami pang iba.

Ito ang kauna-unahang independent film na pagbibidahan ni ang aktor na si John Estrada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?