77

By

Pelicans posibleng magmulta ng $100K kada ‘absent’ ni Davis

Walang panahon para magmuni-muni ang New Orleans Pelicans at ang gumawa ng ingay na sa nagdaang linggo na si Anthony Davis dahil sa posibleng ipataw ng NBA na parusa para sa dalawang kampo.

Ngayong hindi tuloy ang trade na hiniling ni Davis, gagarahe muna ito sa Pelicans ngayong season dahil tapos na ang trade deadline.

At posibleng hindi rin makaiwas sa paglalaro ang six-time NBA All-Star na posibleng gawin para makaiwas sa injury, kakailanganing sumalang sa bawat laban dahil sa napipintong ruling ng NBA.

Ayon kay Brian Windhorst ng ESPN, tinitingnan ng NBA na pagbayarin ang Pelicans ng $100,000 kada larong hindi makakasali si Davis, kailangan din aniya na maglaro ito ng nasa 25 minuto kada NBA game.

26 play date pa ang natitira para sa New Orleans, at mukhang balak namang sumunod ni Davis sa panuntunan.

Sa laban ng Pelicans kontra Minnesota Timberwolves, naglaro na si Davis na kumamada ng 32 points at nine rebounds sa pagkapanalo, 122-117.

“Ultimately, Anthony made it clear to us that he wants to play and he gives our team the best opportunity to win games. Moreover, the Pelicans want to preserve the integrity of the game and align our organization with NBA policies,” saad ni Pelicans manager Dell Demps.

Nag-aaverage si Davis ng 29.3 points at 13.3 rebounds sa 41 laro ngayong season, nabakante ng siyam na salang dahil sa injury sa daliri.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?