69

By

Pelicans maswerte, 1st pick sa NBA Draft nasilat

Mukhang batid na kung saan mapupunta ang 2019 top prospect na si Zion Williamson.

Bumuhos ang swerte para sa New Orleans Pelicans, anim na porsyento lang ang tsansa sa top pick ngunit sila pa ang nakakuha nito.

Taliwas sa kamalasan noong nakaraang season matapos ihayag ng kanilang All-Star forward na si Anthony Davis na gusto nang lisanin ang koponan, tila may bagong umagang naghihintay para sa Pels.

Kung sakaling si Williamson ang kanilang kunin, na kaparehas lang ng posisyon ni Davis, malaki ang tsansang maging top caliber ang manlalaro sa 22.6 points, 8.9 rebounds at 2.1 assists.

Samantala nakuha ng Memphis Grizzlies ang second pick, laglag naman sa third pick ang New York Knicks kahit pa may 14 percent silang tsansa sa top spot.

Ito ang buong listahan sa naganap na NBA Draft Lottery:

Draft order:

1. Pelicans

2. Grizzlies

3. Knicks

4. Lakers

5. Cavaliers

6. Suns

7. Bulls

8. Hawks

9. Wizards

10. Hawks (via Mavericks)

11. Timberwolves

12. Hornets

13. Heat

14. Celtics (via Kings)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?