70
Pekeng cosmetic surgeon arestado sa Pasay
By

Pekeng cosmetic surgeon arestado sa Pasay

Nadakip ang isang umano’y pekeng doktor na nagsasagawa ng cosmetic surgery sa hotel sa Pasay City noong Huwebes.

Ayon sa ulat sa Saksi, naglunsad ng operasyon laban sa suspek na si Crisanto Ordoño matapos magreklamo ang naging biktima niya na hindi nagpabanggit ng pangalan na ineksiyunan nito ng silicone ng sampung beses.

Nagresulta ito ng maraming sugat sa boobs ng biktima kung saan umabot sa P150,000 ang nagastos ng babae.

Maliban sa boobs, ay tinarakan din ng liquid silicone ang kanyang mukha at puwet.

Nagduda na umano ang biktima nang nandoon na siya sa bahay ng suspek.

Pinayuhan naman nito ang mga gustong magpaganda na huwag basta-basta magtitiwala.

Nahuli ang suspek habang kasama nito ang mga gamit pang-opera niya.

Nahaharap naman ang suspek sa kasong estafa through misrepresentation at medical malpractice.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?