65

By

PDOS ng mga OFW iginiit na lalo pang palakasin

Hinikayat ni Kabayan Party-list Rep. Ron Salo ang Department of Labor and Employment (DOLE) na higpitan ang pre-departure orientation seminars (PDOS) para sa paalis na mga overseas Filipino worker (OFW).

Kasunod ito ng pagkaaresto sa 17 OFW na dumalo ng Halloween party sa Riyadh, Saudi Arabia.

Sabi ni Salo, importanteng alam ng mga Pilipino ang mga bawal na gawain sa ibang bansa kung saan sila magta-trabaho.

“The incident highlights the need to make the pre-departure orientation seminars (PDOS) more intensive and should include all the do’s and don’ts in the country of destination. The tool kit to be given to our OFWs which they should bring with them abroad must include a list of these do’s and don’ts and OFWs should commit these in their minds and hearts,” ayon kay Salo.

“OFWs must be continually reminded not to take the laws of their host countries lightly as that could spell either their liberty or detention, or even their life or death. Just like in the Philippines, ignorance of the laws in the country of destination cannot excuse anyone from compliance,” paliwanag ng kongresista.

Umapela naman si Salo kay Labor Sec. Silvestre Bello III at sa Department of Foreign Affairs (DFA) na tulungan ang naarestong mga OFW sa Riyadh.

Wala anyang ibang aasahan ang mga ito kundi ang gobyerno.

Dagdag pa ng mambabatas, dapat palagian rin ang paalala sa mga OFW ng Philippine Overseas Labor Office tungkol sa kultura ng kanilang host countries para maiwasan ang problema.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?