109
PDEA may premyo kay Duterte dahil sa napatay na ecstasy supplier
By

PDEA may premyo kay Duterte dahil sa napatay na ecstasy supplier

Tatanggap ng premyo ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakapatay sa hinihinalang supplier ng ecstasy sa lungsod ng Maynila.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa campaign rally ng PDP-Laban sa Cauayan City, Isabela Miyerkoles ng gabi, a ibinalita sa kanya ni PDEA Chief Aaron Aquino na na-neutralize na nila ang hinihinalang distributor ng ecstasy sa inilunsad na anti-drug operations.

Sinabi ng Presidente na P1.5 million ang premyo sa PDEA agents na nakapatay sa suspek na kinilalang si Steve “John” Pasion.

“Sabi niya (Aquino), ‘Sir namatay na ‘yung number one distributor ng ecstasy. Nagbarilan ang pulis ko’. Sabi ko, announce mo. One million five. Kasi mukhang tatlo ata ang napatay. Sabi ko may prize kayo,” anang Pangulo.

Binigyang-diin ng Presidente na wala siyang patawad pagdating sa iligal na droga at sa natitirang tatlong taon ng kanyang termino ay magiging marahas para sa mga sangkot sa illegal drug trade.

Hindi idinetalye ng Pangulo ang gagawin sa kanyang anti-drug war pero dapat aniya ay magsilbing babala ito sa mga ayaw paawat sa paggamit at pagbebenta ng droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?