7,970

By

PDEA chief Aquino kay VP Leni: Wala din akong kopya ng drug target list!

“I myself has no copy of the list in my possession. What I am doing is I check it from time to time with my intelligence service and conduct workshops against these personalities!”

Ito ang sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino nang mapaulat na tumanggi siyang pagkalooban ng listahan ng ‘high value target (HVT)’ si Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Aquino, payag naman umano ang ahensiya na ipakita ang listahan sa team ni Robredo sa ‘close door meeting’ sa presensiya ng personnel at may security clearance, dahil ito ay ikinukunsiderang ‘classified information’.

“Sa pinakasimpleng explanation — kapag binigay namin ang listahan kay VP Robredo hindi na namin alam kung sino sino ang magkakaroon ng access sa listahan. That will compromise our negation operations,” giit ni Aquino.

Binigyang-diin din ni Aquino na dapat ay alam ng law enforcement ang mga regulasyon kaya hindi ito basta-basta ipinagkakaloob sa sinuman.

Nilinaw ng PDEA chief na ang kanyang pagtanggi ay hindi nangangahulugan na wala siyang respeto kay VP Robredo.

“Imagine what will happen to the efforts of law enforcement if that list landed on wrong hands?” ani Aquino.

Nabatid na ang classified information gaya ng listahan ng high value target ay hindi tinalakay sa ginanap na anumang inter agency committee laban sa illegal drugs (ICAD) meeting.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?